Dahil Sa Takot Na Maparusahan Ng Kanyang Ama, Isang Mag-Aaral Sa Kolehiyo Na Nakakuha Ng Lagpak Na Marka Sa Isa Niyang Asignatura, Ay Gumawa Ng Isang

Dahil sa takot na maparusahan ng kanyang ama, isang mag-aaral sa kolehiyo na nakakuha ng lagpak na marka sa isa niyang asignatura, ay gumawa ng isang pandaraya na gawin itong mga pasado. Ano ang mungkahing resolusyon

 Dahil sa takot na maparusahan ng kanyang ama, isang mag-aaral sa kolehiyo na nakakuha ng lagpak na grado sa isa nyang asignatura, ay gumawa ng isang pandaraya na gawin itong mga pasado. Sa ganitong sitwasyon, ano ang mas mabuting gawin?

 Alam natin na malulungkot ang ating mga magulang kapag nalaman nila na hindi natin pinagbubutihan ang ating pag-aaral. Siyempre pa, nagsisikap sila na magtrabaho para may maitustos sa ating pag-aaral. Kaya naman gusto natin na suklian ito ng matataas na grado. Pero paano kung mababa ang ating mga grado? Kelangan ba natin magsinungaling sa kanila at mandaya? Ang totoo mali iyon. Kaya naman isang katalinuhan na huwag ng ilihim ang mababang grado, sabihin agad ito sa kanila. Paano kung magalit sila? Hindi sila magagalit. Ikakalungkot lang nila iyon. Siyempre pa, naging mga estudyante rin ang ating mga magulang kaya maiintindihan ka nila. Ang emosyon nila para sa iyo ay nagpapakita na inaalala ka nila at gusto nila na tulungan ka na magsikap sa pag-aaral. Mas masakit sa kanila kung magsisinungaling ka at mandadaya pa. Mas maalala ng ating mga magulang ang katapatan na ipakikita natin sa kanila. Isang kasabihan ang nagsabi: "Honesty is the best policy".

 Wag mong ikatakot ang pagsasabi ng totoo! Malaking bagay ito para maging mabuting tao. Kung mababa man ang iyong grado ngayon, pwede kang bumawi sa susunod. Mapapasaya mo ang iyong magulang kapag nakita nila na nagsisikap ka. Higit sa lahat, napasasaya mo ang puso ng Diyos.


Comments

Popular posts from this blog

Paano Ipinakita Ni Simoun Ang Paniniwala Niya Sa Dios,

Solusyon At Suliranin Sa Kabanta 47 Ng Noli Me Tangere

Nasalag Ang Dagok Kahulugan